![]() |
Mga Produktong Pampanga |
Linggo, Pebrero 17, 2013
TANGKILIKIN: Pampanga
Ang Pampanga ay isang historikal at napakagandang lugar para puntahan. Ang probinsyang ito ay puros mga mamamayang malilikhain at mabubuting loob sa kanilang kapwa at kapaligiran. Ang bawat lugar na matatagpuan sa probinsyang ito ay may ipinagmamalaking produkto at magagandang tanawin na hinding-hindi mo palalagpasin sa bawat pagkakataon. Isa pa sa mga dinarayo dito ang iba't iba at magagarang parol na kung tawagin ay "Giant Lanterns Festival", ginaganap ito sa buwan ng Disyembre tuwing nalalapit ang araw ng Pasko at Bagong Taon, matatagpuan ito sa San Fernando,Pampanga. Ang pinakatanyag na Mt. Pinatubo naman ang panlaban ng Pampanga Tungkol sa mga usaping pangkapaligiran, dinarayo ito hindi lang ng mga Pilipino kundi pati na ng mga turistang nandarayuhan sa ating bansa dahil sa namumukod tangi nitong ganda at mga karanasang hindi mo malilimutan. Kilala ang lugar na ito sa mga produktong doon lamang matitikman at iba't ibang produktong kanilang inaangkat sa buong bansa. Nangunguna ang Palay, Tubo,Mais,Manok,Gulay,Prutas, Isda,Ceramics,Lubid, Kakanin at mga Burda.
Tara Na Sa Ilocos Norte't Magsaya!!
ILOCOS NORTE
Ang Ilocos Norte ay isang probinsiya sa Rehiyon ng Ilocos. Ang kabisera nito ay Laoag City. Dito ipinanganak ang dating pangulong Ferdenand Marcos.
Ito rin ay isa sa mga binibisitang lugar sa Pilipinas ng mga turista. Mapa-pagkain, pasyalan, relihiyon at mapa-dalampasigan.
Isa rito ang Bangui Wind Farm, ang pinakaunang power generator sa Southeast Asia.Ito ay nasa
Bangui, Ilocos Norte.Marami ang naitutulong nito sa mga taga-Bangui at iba pang mga taga-Ilocos.
Sinking Bell Tower
Ang Sinking Bell Tower ng Laoag City sa lalawigan ng Ilocos Norte ay isa sa mga unang bagay na maaari mong makita ang kapag ng pagpasok ng lungsod. Ito ay isang napakalaking 45-meter tore sinabi sa isa ng ang pinakamataas na tower ng bell sa Pilipinas at ito ay binuo ng Augustinians noong 1612.
Ang tore na ito ay tinawag na "sinking" dahil ito ay mabigat at ito ay bumuo ng sa mabuhanging pundasyon na lumulubog sa lupa.
Kung ika'y naiinitan na tara na't pumunta sa Pagudpud Beach.
Saud Beach sa Pagudpud
Ang pinakasikat na lugar sa Pagudpud ay ang Saud Beach dahil sa puting buhangin at malinaw na tubig nito. Nagiging lapitin na rin sa mga turista ang Maira-Ira Point at ang liblib na dalampasigan dito na tinatawag na Blue Lagoon. Mararating ang Blue Lagoon mula sa hilagang gilid ng Maharlika Highway bago makarating sa Patapat Viaduct. Habang parating sa pook na ito, makikita ang isang arkong nililok ng dagat mula sa bangin. Hitik sa mga puno ng niyog ang dalampasigan. Kitang-kita ang mga isla ng Batanes mula sa Patapat National Park kapag malinaw ang panahon.
Kung gutom kana tara na't kumain ng Pinakbet. Masarap ang Pinakbet dito dahil ito ang kanilang signature dish.
Mga Sanggunian:
http://en.wikipedia.org/wiki/Ilocos_Norte
members.virtualtourist.com
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)