![]() |
Mga Produktong Pampanga |
Linggo, Pebrero 17, 2013
TANGKILIKIN: Pampanga
Ang Pampanga ay isang historikal at napakagandang lugar para puntahan. Ang probinsyang ito ay puros mga mamamayang malilikhain at mabubuting loob sa kanilang kapwa at kapaligiran. Ang bawat lugar na matatagpuan sa probinsyang ito ay may ipinagmamalaking produkto at magagandang tanawin na hinding-hindi mo palalagpasin sa bawat pagkakataon. Isa pa sa mga dinarayo dito ang iba't iba at magagarang parol na kung tawagin ay "Giant Lanterns Festival", ginaganap ito sa buwan ng Disyembre tuwing nalalapit ang araw ng Pasko at Bagong Taon, matatagpuan ito sa San Fernando,Pampanga. Ang pinakatanyag na Mt. Pinatubo naman ang panlaban ng Pampanga Tungkol sa mga usaping pangkapaligiran, dinarayo ito hindi lang ng mga Pilipino kundi pati na ng mga turistang nandarayuhan sa ating bansa dahil sa namumukod tangi nitong ganda at mga karanasang hindi mo malilimutan. Kilala ang lugar na ito sa mga produktong doon lamang matitikman at iba't ibang produktong kanilang inaangkat sa buong bansa. Nangunguna ang Palay, Tubo,Mais,Manok,Gulay,Prutas, Isda,Ceramics,Lubid, Kakanin at mga Burda.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento